Words and music: Diane de Mesa
Arrangement: Greg Felix
Lyrics
Sa t'wing naaalala ka
(Diane de Mesa)
Sa tuwing naaalala ka
Puso ko'y sumisigla
Paano'ng aking gagawin
Ako nga ba'y nahulog na
Sa umaga, hapon at gabi
Sa isip ko'y ikaw pa rin
Di mo ba naririnig
Tibok ng puso sana ay dinggin
Bakit di pakinggan, ang hangin na nagdaan
Kahit huni ng ibon nagsasabi na ikaw lamang
Aaminin sayo ang laman ng puso
Sana'y kapag sinabi ko
Di ka magbabago, oohh
Di mo ba nadarama
Lagkit sa 'king mga mata
Kapag nasisilayan ka
Ngiti ko ay abot tenga
Sa paggising at pagtulog ko
Kahit sa panaginip ay narito
Kahit sandali basta't kasama ka
Ako'y kontento na
Bakit di mo pansin
Ang lihim kong pagtingin
Kapag ika'y malapit na
Nais ko'y mayakap ka
Sasabihin sa'yo ang damdaming ito
Na matagal nang sa puso ko ay nakatago, oohh
Sasabihin kong mahal kita
Sa puso ko'y nag-iisa
Bakit di mo pansin
Lihim kong pagtingin
Kapag ika'y malapit na
Nais ko'y mayakap ka
Sasabihin sa'yo ang damdaming ito
Na matagal nang sa puso ko ay nakatago
(Bakit di mo pansin) lihim kong pagtingin
Kapag ika'y malapit na
Nais kong mayakap ka
Aaminin sa'yo laman ng puso
Na matagal nang sa puso ko ay nakatago, oohh
Na matagal nang sa puso ko ay nakatago, oohh