Words and music: Diane de Mesa
Arrangement: Greg Felix
Lyrics
May mahal ka nang iba
(Diane de Mesa)
Kay tagal na ng panahon
Ikaw pala ang taong 'yun
Nagbibigay ng ligaya sa buhay ko
Kaibigan ko
Kailan ba yung sinabi mo
Ang pagibig mo
Ngunit sinabi ko
Kaibigan lang ang turing ko sa'yo
Ba't kung kelan pa naramdaman
Ang tibok sa puso ko
May mahal ka nang iba
May mahal ka nang iba
Ikaw pala
Ikaw lang pala
Ang hinahanap ko
May mahal ka ng iba
May mahal ka ng iba
Sayang lang panahong pinalipas ko
Dahil ngayo'y may nagmamahal nang iba
Sa'yo
Kung maibabalik ko ang himig
Na dati rati ay 'yong naririnig
Awit na nagpapa-alala sa ating nakaraan
Kailangan ko
Nais kong marinig sa tinig mo
Ang damdamin mo
Dagli nga bang nagbago
Ang minsan ay tumibok sa puso mo
Ba't kung kelan pa naramdaman
Ang pag-ibig kong ito
May mahal ka nang iba
May mahal ka nang iba
Ikaw pala
Ikaw lang pala
Ang hinahanap ko
May mahal ka ng iba
May mahal ka ng iba
Sayang lang panahong pinalipas ko
Dahil ngayo'y may nagmamahal nang iba
Sa'yo
Oh, hindi ko man lang nasabi sa'yo
Na takot ang nararamdaman ko
Noong sinabi mo
Ang akala ko'y hindi magbabago
Pag-ibig mo
Laging ika'y nariyan
Ngunit nang mawala
Saka hinanap-hanap ka
Oohhh ohhh
May mahal ka nang iba
May mahal ka nang iba
Ikaw pala
Ikaw lang pala
Ang hinahanap ko
May mahal ka ng iba
Bakit may mahal ka ng iba
Sayang lang panahong pinalipas ko
Dahil ngayo'y may nagmamahal nang iba
May mahal ka nang iba
May mahal ka nang iba
Ikaw pala
Ikaw lang pala
Ang hinahanap ko
May mahal ka ng iba
Bakit may mahal ka ng iba
Sayang lang panahong pinalipas ko, oh
Dahil ngayo'y may nagmamahal nang iba
Sa'yo