In cart Not available Out of stock

Words and music: Diane de Mesa
Arrangement: Sushi

Lyrics

Napapagod din ang puso
(Diane de Mesa)

Lumipas na ang mga araw na
Ako'y nag-aabang sa may bintana
Natapos na ang mga panahon
Na hinihintay kita

Tila napapagod din pala ang puso, ohh
Sadyang kay tagal rin kitang minahal
Huminto, umikot ang aking mundo sayo
Ibinuhos ang pag-ibig ko
Ngunit hanggang ngayo'y nagtatanong ang puso ko, ohhh
Ako ba'y mahal mo rin

Oohh
Minsan sinabi mo na ako'y mahal ko rin
Ngunit tunay ba ang 'yong damdamin
Sa iyong mga mata
Makikita ko ba
Ang tamis at ningning ng pagsinta

Tila napapagod din pala ang puso, ohh
Sadyang kay tagal rin kitang minahal
Huminto, umikot ang aking mundo sayo
Ibinuhos ang pag-ibig ko
Ngunit hanggang ngayo'y nagtatanong ang puso ko, ohhh
Ako ba'y mahal mo rin

Mahal, kailangan ko ang pag-ibig mo
Na iyong nadarama ng walang pagdududa
Ako sana'y maghihintay
Patuloy na aasa
Ngunit puso ba'y may hinihintay

Tila napapagod din pala ang puso, ohh
Sadyang kay tagal rin kitang minahal
Huminto, umikot ang aking mundo sa'yo
Ibinuhos ang pag-ibig ko
Ngunit hanggang ngayo'y nagtatanong ang puso ko
(Nagtatanong ang puso ko)
Tila napapagod din pala ang puso, ohh
Sadyang kay tagal rin kitang minahal
Huminto, umikot ang aking mundo sa'yo
Ibinuhos ang pag-ibig ko
Ngunit hanggang ngayo'y nagtatanong ang puso ko, ohhh

Ako ba'y
Mahal mo rin
Oohh