In cart Not available Out of stock

Words and music: Diane de Mesa
Arrangement: Gabor Szijarto

Lyrics

Hindi ka na mag-iisa
(Diane de Mesa)

Kay lakas ng alon sa dagat
Kagaya ng pag-ibig ko sayo
Kahit saan tayo dalhin ng buhay
Kahit saang agos ay kasama mo ako

Hawakan mo ang aking kamay
Lakas man ng hangin tayo saan man itatangay
Di ka na mag-iisa, di kita pababayaan
Pangako dito lang ako sa tabi mo
Hindi kita iiwan, oohh

Kung minsan ay kay hirap tanggapin
Mga problema ating kakayanin
Kung tayo'y magkasama di tayo bibigay
Parang pader, lindol man di tayo magigiba

Bagyo, unos man ang dumaan
Habang tayo'y magkapiling, wala lang yan
Ikaw at ako dito sa mundo
Kumapit ka lang, kapit sa akin
Ako'ng bahala sa'yo, bahala sa'yo

Hindi kita, hindi kita iiwan

Hindi kita...

Hindi ka na mag-iisa

Hindi ka na mag-iisa

'Di ka na mag-iisa