Words and music: Diane de Mesa
Arrangement: Greg Felix
Lyrics
Kung iwanan ka
(Diane de Mesa)
May bulong sa aking isip
Matagal nang naririnig
Ba't wala ka pa
Kung bakit lagi akong nagbibigay, ooh
Kung sakali hanapin mo ba
Ang lambing ng aking pagmamahal
O parang hangin lamang na nagdaan
Sana'y malaman ko
Kung iwanan ka
Mababawasan ba sakit na nadama
Kung iwanan ka
Kung lisanin ka
Tila ba ay panahon na
Kung matagal nang ayaw mo na
Wala na bang magagawa
Dito na ang ating hantungan
Di na maramdaman
Pilitin man, lalong lalayo
Kung sakali hanapin mo ba
Ang lambing ng aking pagmamahal
O parang hangin lamang na nagdaan
Sana'y malaman ko
Kung iwanan ka
Mababawasan ba sakit na nadama
Kung iwanan ka
Kung lisanin ka
Tila ba ay panahon na
Kung matagal nang ayaw mo na
Sabihin sa akin
Ang yong nadarama
Kung ako'y mahal pa rin
Ba't di mo sabihin?
(Instrumental break)
Kung iwanan ka
Mababawasan ba sakit na nadama
Kung iwanan ka
Kung lisanin ka
Tila ba ay panahon na
Kung matagal nang ayaw mo na
Kung iwanan ka
Mababawasan ba sakit na nadama
Kung iwanan ka
Kung lisanin ka
Tila ba ay panahon na
Kung matagal nang ayaw mo na