Words and music: Diane de Mesa
Arrangement: Greg Felix
Lyrics
Tama na
(Diane de Mesa)
Hindi ka na mawala sa isip ko
Simula ng tayo ay unang magkita
Hindi ka na maalis sa puso ko, ohh
Magmula ng ikaw ay unang makilala
Kung bakit ba nagkakaganito
Di naman kita lubos na kilala
At alam kong may minamahal ka na
At hindi na maaari pang magkita
Tama na, paano ko pipigilan
Paano sasabihin na mahal kita
Hindi na pwede, wala na
Tama na, walang patutunguhan pa
Sayang ang bawat sandali
Nandito ka sa 'king isip
Hindi na pwede
Kung sana'y nakilala nung una pa lang
Posible rin kayang maramdaman
Naglalaro sa diwa kung may pagkakataon
Na kung bukas ay pwede na tayo
Kung bakit ba nagkakaganito
Di naman kita lubos na kilala
At alam kong may minamahal ka na
At hindi na maaari pang magkita
Tama na, paano ko pipigilan
Paano sasabihin na mahal kita
Hindi na pwede, wala na
Tama na, walang patutunguhan pa
Sayang ang bawat sandali
Nandito ka sa 'king isip
Hindi na pwede
Instrumental break
Tama na, paano ko pipigilan
Paano sasabihin na mahal kita
Hindi na pwede, wala na
Tama na, walang patutunguhan pa
Sayang ang bawat sandali
Nandito ka sa 'king isip
Tama na, paano ko pipigilan
Paano sasabihin na mahal kita
Hindi na pwede, wala na
Tama na, walang patutunguhan pa
Sayang ang bawat sandali
Nandito ka sa 'king isip
Hindi na pwede
Oohh
Tama na