Words and music: Diane de Mesa
Arrangement: Elmer Blancaflor
Guitar: Christopher Buenviaje
Lyrics
DI NA KITA MINAMAHAL
(Diane de Mesa)
Giliw, 'wag kang magdaramdam
Kung nais ko nang ipaalam
Ang nilalaman ng aking damdamin
Nagpupumilit nang aking sabihin
Wala na ang ningning sa iyong mga mata
Tamis ng iyong halik 'di na nadarama
Paano ko ba sasabihin sayo, sinta
Na ang puso ko'y nabihag niya
'Di na kita minamahal
'Di ko hangad na ikaw ay saktan
Nahihirapan rin ang puso ko
'Di madaling sabihin sa 'yo
May iba na kong mahal
Kung sakali mang masabi ko sa 'yo
Matatanggap mo ba'ng laman ng puso ko
Kung magalit ka'y aking tatanggapin
'Di ko sadya saktan ang iyong damdamin
Wala na ang init sa iyong mga halik
Kapag ika'y kasama ko s'ya ang yaring nasa isip
Paano ko ba sasabihin sa 'yo, sinta
Na ang puso ko'y nahulog sa kanya
'Di na kita minamahal
'Di ko hangad na ikaw ay saktan
Nahihirapan rin ang puso ko
'Di madaling sabihin sa 'yo
May iba na kong mahal
Kung pwede lang
Diktahan ang puso't isipan
At ikaw na lang ang siyang iibigin
Ngunit 'di mapigilan
Sa iba naramdaman
Ang tibok na dapat ay sa 'yo
'Di na kita minamahal
'Di ko hangad na ikaw ay saktan
Nahihirapan rin ang puso ko
'Di madaling sabihin sa 'yo, ohh
'Di na kita minamahal
'Di ko hangad na ikaw ay saktan
Nahihirapan na ang puso ko
'Di madaling sabihin sayo
May iba na 'kong mahal