In cart Not available Out of stock

Words and music: Diane de Mesa
Arrangement: Elmer Blancaflor
Guitar: Christopher Buenviaje

Lyrics

IKAW PA RIN
(Diane de Mesa feat. Nants del Rosario)

Nants: Oohh
Hinahanap ka nang puso
Isang saglit nang ikaw ay mawala
'Di ako mapakali
Hirap nang nakasanayan
Sa pagbungad ng umaga ay
Walang dampi nang iyong halik

Diane: Oh, bakit ba nagbabalik ka?
Sa isip ko, sa puso ko
Hindi ka nawawala
Tamis nang iyong halik
Higpit nang iyong yakap
Kailan ba masasanay na, wala ka?
Ohh

Pano 'kung bigyan muli ng pagkakataon?
Buhayin ang ating nakaraan
Mga sandaling ating pinabayaan
Pag-ibig na di pa rin nakakalimutan
At hindi parin kita mawaglit sa puso ko
At hindi parin kita maalis sa isip ko
Ikaw pa rin

Nants: 'Di maitanggi sa sarili
Hanggang ngayon ay mahal parin kita
'Di mo ba nadarama?
Di ko yata makakaya
Habang buhay ang isipin na
May mahal ka 'nang iba

Diane: Oh, kailan man ay nandirito ka
Sa isip ko, sa puso ko
Hindi ka nawawala
Tamis ng iyong halik
Higpit nang iyong yakap
Kahit kailan ay di matatanggap na
Wala ka
Ohh

Paano kung bigyan muli ng pagkakataon?
Buhayin ang ating nakaraan
Mga sandaling ating pinabayaan
Pag-ibig na di pa rin nakakalimutan
At hindi pa rin kita mawaglit sa puso ko
At hindi pa rin kita maalis sa isip ko
Ikaw pa rin
Ohh-ohh

Kung ikaw ay magbabalik
'Di ako magdadalawang-isip
Pag-ibig hanggang ngayon
Ikaw lamang at wala nang iba

Paano kung bigyan muli ng pagkakataon?
Buhayin ang ating nakaraan
Mga sandaling ating pinabayaan
Pag-ibig na 'di pa rin nakakalimutan
At hindi pa rin kita mawaglit sa puso ko
At hindi pa rin kita maalis sa isip ko
Ikaw pa rin

Ohh-ohh