Words and music: Diane de Mesa
Arrangement: Elmer Blancaflor
Guitar: Greg Felix
Bass: Jason Marrero
Lyrics
Palalayain s'ya
(Diane de Mesa)
Hawak nya ang iyong kamay
Habang ako'y naghihintay
Kaya pala dahil sayo'y wala pa sya
Hindi man naghinala
Buong buo ang tiwala
Dahil sa'yo, nilimot nyang ako'ng kanyang mahal
Ngayong alam ko na
Paano kayo nagsasaya
Gayong alam mong may minamahal na sya
Ngayon alam mo na
Itutuloy mo pa ba
Ngayong alam mong meron na syang sinisinta
Aagawin sya
Paano ka matatahimik
Pag alam mong may nasasaktan ka na
Sa bawat halik
Dama mo ba ang tamis
Sa bawat pagdampi ng kanyang labi
Nangako ba sya
Na ikaw lang ang mamahalin
Na ilang beses nyang sinabi sa akin
Ngayong alam ko na
Paano kayo nagsasaya
Gayong alam mong may minamahal na sya
Ngayong alam mo na
Itutuloy mo pa ba
Ngayong alam mong meron na syang sinisinta
Palalayain sya
Di na kayo mahihirapan pa
Kayo sana ay maging masaya
Hindi ko na hahabulin pa
Kung ano ang dapat na para sa akin
Hahayaan kung ito'y tadhana na dumating
Awat na ang damdamin
Ngayong alam mo na
Itutuloy mo pa ba
Alam mong meron na syang sinisinta
Palalayain sya
Di na kayo mahihirapan pa
Kayo sana ay maging masaya