Words and music: Diane de Mesa
Arrangement: Elmer Blancaflor
Guitar: Greg Felix
Bass: Jason Marrero
Lyrics
Sana ako na lang
(Diane de Mesa)
Mga nanunuksong tingin
Nagpapakilig sa akin
'Di ko naman ito pinlano
Bigla na lang naramdaman ito
'Di ka na maalis-alis sa isip ko
'Di na ko mapakali
Ganun ka kaya sa 'kin?
Kailan lamang nagkakilala
Ngunit parang ang lapit-lapit ko na
Sa puso mo na libre pa ba ang pagsinta
Sana ako na lang
Sana ako na lang
Ang siyang laman ng puso mo
Tanong ko lang, mahal mo ba ako?
Ako na lang
Sana ako na lang
Ano pa'ng iyong hinihintay
Kung ganun ka rin
Sana tayo na lang
Ba't kasi pagkalambing
Na tila ba'y may pagtingin
Dama mo ba ang ihip ng hangin
Nawa'y dasal ko ay iyong dinggin
Ikaw na ba ang hulog sa 'kin ng langit
Kaya ngayo'y nahulog na
'Di mawala sa gunita
Ngayon walang kalaban-laban
Buhay sa 'yo ko ay ilalaan
Ikaw na ba bigay sa 'kin ng Maykapal
Sana ako na lang
Sana ako na lang
Ang siyang laman ng puso mo
Tanong ko lang, mahal mo ba ako?
Ako na lang
Sana ako na lang
Ano pa'ng iyong hinihintay
Kung ganun ka rin
Sana tayo na lang
Instrumental Break
Ohhh
Sana ako na lang
Sana ako na lang
Ang siyang laman ng puso mo
Tanong ko lang, mahal mo ba ako?
Ako na lang
Sana ako na lang
Ano pa'ng iyong hinihintay
Kung ganun ka rin
Sana tayo na lang
Kung ganun ka rin
Sana tayo na lang