0:00/???
  1. Suko Na

From the recording Begin Again

In cart Not available Out of stock

Words & Music: Diane de Mesa
Arrangement: Jayson Dolotina

Lyrics

Dumating na sa puntong suko na
Wala na kong kalaban-laban pa
Ikaw-ang-nagkamali, ngunit ako ang lumalapit

Sinusubukang isalba pa ang natitira
Kung hindi mo na ako nadarama
Wala nang dahilan para magpatuloy pa

Suko na, ayoko na
Kung nadidiktahan lamang ang puso
Awat na, ayoko na sa’yo
Paulit-ulit kong sinasambit
Patatawarin ka naman ulit
Suko na

Ilang beses akong umasa
Sana ay magbago pa
Mahalin mo sana ako
Kagaya ng pag-ibig ko sa’yo
Ngunit kung saan-saan ka pa rin tumitingin
Kung di mo na ako nadarama
Wala nang dahilan para magpatuloy pa

Suko na, ayoko na
Kung nadidiktahan lamang ang puso
Awat na, ayoko na sa’yo
Paulit-ulit kong sinasambit
Patatawarin ka naman ulit
Suko na

Ngunit isang lambing mo lang
Di ko na mapanindigan
Mahal pa rin kita
Pero suko na

Suko na, ayoko na
Kung nadidiktahan lamang ang puso
Awat na, ayoko na sa’yo
Paulit-ulit kong sinasambit
Patatawarin ka naman ulit
Suko na