0:00/???
  1. Lalayo

From the recording Begin Again

In cart Not available Out of stock

Words & Music: Diane de Mesa
Arrangement: Elmer Blancaflor

Lyrics

May nagbago sa akin
Sadya nang nag-iba
Nag-desisyon na ang isip
Ngayon ay kakayanin ko na

Kahit mahal na mahal pa kita
Di ko na kayang magpatuloy pa
Para sa sarili ko
Sa katahimikan ng isip at puso
Ako na lang ang lalayo

Matagal ko nang pansin wala na sa king pagtingin
Ngunit nagbulag-bulagan pa rin
Ngayon ay di ko na pababayaang saktan mo pa muli
Di bale na ang mag-isa

Kahit mahal na mahal pa kita
Di ko na kayang magpatuloy pa
Para sa sarili ko
Sa katahimikan ng isip at puso
Ako na lang ang lalayo

May dahilan ang lahat
Kaya ka N’ya inalis sa buhay ko
Di ko na ilalaban, di ko na ipipilit
Dahil mas mabuti nang ganito, ohh

Kahit mahal na mahal pa kita
Di ko na kayang magpatuloy pa

Kahit mahal na mahal pa kita
Di ko na kayang magpatuloy pa
Para sa sarili ko
Sa katahimikan ng isip at puso
Ako na lang ang lalayo

Lalayo
Ako na lang ang lalayo, ohh

Ohh ohh