From the recording Begin Again

In cart Not available Out of stock

Words & Music: Diane de Mesa
Arrangement: Elmer Blancaflor
Drums: Jayson Dolotina

Lyrics

Sana’y huwag ka nang magbabalik
Kung ako’y sasaktan lang muli
Hindi pa ba sapat ang naidulot mong sakit
Kahit sa’yo pa ri’y nananabik

Huwag mo nang guluhin ang puso ko
Nananahimik na mula sa’yo
Sinusubukan ko-iwaglit-ka sa isip ko

‘Wag ka nang magbabalik
Natatakot akong mahulog pang muli
Mabuwag ang naitayo ko nang harang sa puso ko
Nagmamahal pa rin sa’yo
Baka di ko na makaya
Bitawan ka

Sana’y huwag ka nang magbabalik
Kung paulit-ulit aking pagtitiis
Kailan mo kaya ako mapapansin
Kahit man lang konting pagtingin

Huwag mo nang guluhin ang puso ko
Nananahimik na mula sa’yo
Sinusubukan ko iwaglit ka sa isip ko

‘Wag ka nang magbabalik
Natatakot akong mahulog pang muli
Mabuwag ang naitayo ko nang harang sa puso ko
Nagmamahal pa rin sa’yo
Baka di ko na makaya
Bitawan ka

Wala ba talaga akong puwang sa puso mo
Huwag ka nang magbabalik
Ngunit ang totoo, ang-tangi kong hiling
Handa akong kalimutan lahat ng naidulot mo
Basta sabihin mo la~ng, sabihin mo lang ako’y sa’yo

Huwag ka nang magbabalik
Natatakot akong mahulog pang muli
Mabuwag ang naitayo ko nang harang sa puso ko
Nagmamahal pa rin sa’yo
Baka di ko na makaya
Bitawan ka